Ang Lungsod ng San Diego ay bumubuo ng isang SD na Matatag sa Klima, isang komprehensibong plano para sa pag-agpang at katatagan sa klima, upang matiyak na ang mga residente ng San Diego ay patuloy na uunlad sa isang nagbabagong klima. Ang plano ay magpopokus sa apat na pangunahing pagbabago sa klima na may kaugnayan sa mga panganib na inaasahang makakaapekto sa Lungsod at titindi sa paglipas ng panahon: ang lebel ng dagat ay tataas, matinding pag-ulan at tagtuyot, matinding init at mahirap kontrolin na mga sunog.
Ang SD na Matatag sa Klima ay magsasama ng isang set ng mga istratehiya sa pag-agpang sa klima, nakapolus sa pagpapaliit ng panganib at pagtataas ng katatagan ng mga tao, yaman, ekonomiya, at likas na kayamanan ng San Diego.
Ang mga halimbawa ng magkakaibang istratehiya na makakatugon sa bawat panganib sa klima ay ipinakikita sa ibaba. Bawat istatehiya ay may ibang gastos, antas ng pagiging mabisa, at mga pabor at kontra. Iniimbitahan ka namin na suriin ang impormasyon at sagutin ang mga tanong na sumusunod upang tulungan kami na maintindihan kung aling mga istratehiya ang unang-unang sinusuportahan mo sa ating landas patungo sa pagpaplano ng isang matatag at umuunlad na San Diego.
Mga istratehiya sa pag-agpang para sa Pagtaas ng Lebel ng Dagat
Ang pagbabago ng klia ay nagpapabilis ng pagtaas ng lebel ng dagat. Bago lumampas ang 2100, ang mga lebel ng dagat ay maaaring tumaas ng 3.6 hanggang 10.2 na talampakan. Ito ay mangangahulugan ng higit na pagbaha sa kahabaan ng baybayin at mas mabilis na pagkaaganas ng baybayin.
Mga Posibleng Istratehiya:
Mga Opsyon na Kaugnay ng Regulasyon: Ang pagsasapanahon ng mga regulasyon sa pagpapaunlad at pagsosona, mga proseso sa pagbibigay ng permiso, at mga pamantayan upang bawasan ang pagkahantad ng pagpapaunlad sa mga panganib ng pagbabago ng klima at upang pahusayin ang kakayahang makita ang mga panganib ng pagbabago ng klima.
Pagpapalusog sa Dalampasigan: Ang buhangin ay binibili at idinaragdag sa mga dalampasigan ng Lungsod. Ang bagong buhangin ay dapat bilihin nang palagian upang panatilihin ang kasalukuyang lapad ng dalampasigan at upang magprotekta laban sa pagkaagnas.
Mga Solusyong Batay sa Kalikasan: Ang mga solusyong batay sa kalikasan ay gumagamit ng mga likas na paraan ng pagprotekta sa baybayin upang protektahan ang mga lugar ng baybayin mula sa pagtaas ng lebel ng dagat, pagbaha at pagkaagnas ng baybayin. Ang mga halimbawa ay mga buhay na baybayin, pagpapanumbalik ng tirahan, katutubong halaman at pagpapanumbalik ng buhangin, na nagkakaloob ng maraming karagdagang benepisyo tulad ng pagkakaloob ng tirahan o paghiwalay ng carbon.
Pader para sa Dagat: Ang mga pader para sa dagat ay matitigas, patayong mga istruktura, pangkaraniwang yari sa semento, na idinisenyo upang magprotekta laban sa pagtaas ng lebel ng dagat. Ang mga pader para sa dagat ay maaaring magresulta sa pangmatagalang pagkaagnas ng dalampasigan.
Pagbabago ng Paggamit ng Lupa: Ang pagbabago ng paggamit ng lupa ay maaaring kinabibilangan ng paglipat sa hindi gaanong matinding mga paggamit ng lupa sa mga lugar na madaling maapektuhan ng pagtaas ng lebel ng dagat at pagbaha, tulad ng pagbabago sa mga ari-ariang pag-aari ng Lungsod upang maging luntiang espasyo.
Istratehiya |
Gastos |
Pagkamabisa |
Mga Pabor |
Mga Kontra |
---|---|---|---|---|
Mga Opsyon na Kaugnay ng Regulasyon |
Mababa para ipatupad sa Lungsod |
Maaaring idisenyo upang maging pangmatagalan at ispesipiko sa lugar |
Protektahan at ihanda ang bagong pagpapaunlad; bawasan ang pinsala sa hinaharap |
Posibleng pagtaas ng gastos sa maikling panahon para sa pagpapaunlad |
Pagpapalusog sa Dalampasigan
|
Katamtaman (patuloy na karagdagang gastos para sa pagpapalusog sa hinaharap) |
Epektibo sa maikling panahon |
Nagpapanatili ng akses sa dalampasigan |
Kailangan ng bagong buhangin bawat ilang taon Ang bagong buhangin ay maaaring madala palayo ng malalaking bagyo |
Mga Solusyong Batay sa Kalikasan |
Pagpopondong mababa at karapat-dapat sa gawad |
Tumutulong na pagaanin ang pagbaha at binawasan ang enerhiya ng alon |
Napapagaan ang mga emisyon ng carbon Pinahuhusay ang kalidad ng tubig Nagpoprotekta sa tirahan |
Mas kaunting lupang mapapaunlad |
Pader para sa Dagat |
Mataas |
Mabisang pangmatagalang solusyon para sa taas na idinisenyo ang pader para sa dagat |
Nagpoprotekta sa ari-arian sa likuran ng pader para sa dagat |
Magastos Inaagnas ang dalampasigan Hindi nagbabawas ng enerhiya ng alon |
Pagbabago ng Paggamit ng Lupa |
Mababa hanggang sa mataas na gastos |
Ang mga regulasyon ay maaaring idinisenyo upang maging pangmatagalan at ispesipiko sa lugar |
Nagpoprotekta sa tirahan Nagpapanatili ng mga dalampasigan Karagdagang luntiang espasyo para sa libangan |
Ang pagtatamo ng lupa ay maaaring maging magastos kung ang mga karapatan sa paggamit ay hindi nakuha |
Mga Istratehiya sa Matinding Pag-ulan at Tagtuyot
Ang mas matinding pagkakaiba sa dami ng patak ng ulan ay inaasahan, nagreresulta sa mas matinding mga pagbabago sa pagitan ng mga panahon ng tagtuyot at matinding pagbaha.
Mga Posibleng Istratehiya:
Reaktibong Pagpapanatili: Kapag ang isang matinding klima ay inaasahan, ang mga tauhan ng Lungsod ay naglilinis ng mga paagusang pambagyo at mga culvert, namamahagi ng mga bag ng buhangin, nagsasara ng mga daan, nagdaragdag ng mga tauhan ng pagpapanatili at mga palatandaan na kailangan.
Nagtataas ng mga Daan: Ang lebel ng ibabaw ng daan ay itinataas sa mas mataas na elebasyon sa mga lugar na laging binabaha kapag may matinding panahon upang panatilihin ang akses sa daan.
Luntiang Impra-istruktura: Ang luntiang impra-istruktura ay nagbabawas ng pagbaha at pagtangay sa pamamagitan ng pagbihag at pagsala sa ulan. Sa mga halimbawa ay kabilang ang mga punongkahoy sa kalsada, mga curb cut, bioswale at natatagusang ibabaw.
Relokasyon ng Impra-istruktura: Ang mga yaman ng Lungsod ay inililipat sa mga panghaliling lugar na hindi gaanong hantad sa mga panganib ng klima.
Paglahok ng Komunidad: Ang paglahok ng komunidad ay kinabibilangan ng mga pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga pagpapaganda ng lupa na matibay sa tagtuyot, insentibo at gabay sa luntiang impra-istruktura o pagbihag ng tubig ulan, at pagtugon sa baha.
Istratehiya |
Gastos |
Pagkamabisa |
Mga Pabor |
Mga Kontra |
---|---|---|---|---|
Reaktibong Pagpapanatili |
Mababang halaga |
Epektibo sa maikling panahon para sa mababang mga lebel ng pagbaha |
Nagpoprotekta sa pampublikong kalusugan at kaligtasan Mas mababang gastos sa maikling panahon Naiaagpang Pagpapatupad |
Maikling panahon lamang Patuloy na epekto ng pagpapatakbo |
Nagtataas ng mga Daan
|
Mataas na gastos |
Nagpapanatili ng akses at nagbabawas ng pagbaha hanggang sa idisenyong taas ng daan |
Nagpoprotekta sa pampublikong kalusugan at kaligtasan |
Magastos Mga posibleng epekto sa mga takbo ng pagtangay ng tubig |
Luntiang Impra-istruktura |
Katamtaman |
Binabawasan ang pagbaha sa lugar ar pagtangay sa mga katawan ng tubig |
Pagsasaluntian ng komunidad Pinahuhusay ang kalidad ng tubig Pagbihag at muling paggamit ng tubig Pagpapagaan ng init |
Hindi kasing-epektibo para sa matitinding baha |
Relokasyon ng Impra-istruktura |
Nag-iiba ang mga gastos: maaaring kabilang ang paglipat ng yaman, halaga ng bagong lupa, o bagong konstruksiyon |
Ang relokasyon ay naglilipat ng yaman upang maiwasan ang pinsala |
Pinananatili ang mga napakahalagang serbisyo ng lungsod Pampublikong kalusugan at kaligtasan Posibleng karagdagang mga luntiang espasyo/pagpapanumbalik ng tirahan |
Magastos |
Paglahok ng Komunidad |
Mababa |
Tumutulong na bawasan ang mga pinakamataas na daloy at/ nagtataas ng paglahok sa mga aksyon para sa konserbasyon ng tubig |
Pinahuhusay ang kalidad ng tubig Konserbasyon ng tubig Aksyon ng komunidad |
|
Mga Isrratehiya sa Matinding Init
Ang mga inaasahang pagbabago ng klima para sa San Diego ay nangangahulugang mas madalas na mga alon ng init, mas mainit na mga gabi, at pinakamainit na mga araw na nagiging mas mainit. Ang matinding init ay nagbibigay ng panganib sa kalusugan sa mga Taga-San Diego.
Mga Posibleng Istratehiya:
Malalamig na Sona: Ang malalamig na sona ay mga gusali sa komunidad na nagkakaloob ng espasyong kinokondisyon ang hangin na maaaring maakses ng publiko sa panahon ng matinding init.
Istruktura ng lilim: Ang mga istruktura ng lilim ay kinabibilangan ng instalasyon ng mga shade sail, kulandong o ibang mga katangian na nagkakaloob ng karagdagang lilim sa mga pampublikong espasyo at tumutulong na palamigin ang nakapaligid na lugar.
Takip na Punongkahoy na Kulandong: Ang takip na punongkahoy na kulandong ay ang pagtakip ng mga dahon at sanga ng punongkahoy na nagkakaloob ng lilim at pagpapalamig sa nakapaligid na lugar, na tumutulong din na linisin ang hangin at masipsip ang pagtangay ng tubig ulan.
Luntiang Bubong: Ginagawa ng mga luntiang bubong ang mga kasalukuyang tuktok ng bubong na nababalot ng mga buhay na halaman. Ang mga luntiang bubong ay nakakakuha ng liwanag at init ng araw at nababawasan ang mga pumapaligid na temperatura ng ilang digri, habang nagkakaloob din ng mga benepisyong pangkagandahan at pangkapaligiran.
Malalamig na Bubong: Ginagawa ng malalamig na bubong ang mga kasalukuyang tuktok ng bubong na mga bubong na yari sa mga materyal na maliwanag ang kulay na naghahatid ng liwanag at init ng araw pabalik sa atmospera. Napapanatili ng malalamig na bubong ang mga nakapaligid na temperatura na mas malamig kaysa mga tradisyunal na bubong.
Istratehiya |
Gastos |
Pagkamabisa |
Mga Pabor |
Mga Kontra |
---|---|---|---|---|
Malalamig na Sona |
Mababa Magagamit ang mga kasalukuyang gusali bilang mga itinalagang malalamig na sona. |
Nagkakaloob ng ginhawa mula sa matitinding init |
Tumutugon sa mga pangangailangan ng pampublikong kalusugan |
Kailangang tiyakin na nagagawa ng mga residente na maakses ang malalamig na sona Matataas na gastos sa enerhiya / nadagdagang mga emisyon ng GHG |
Istruktura ng lilim |
Mababa Bilang karagdagan sa kasalukuyang istruktura ng paglalaro, parke, o pampublikong espasyo |
Katamtamang antas ng nagpapalamig na epekto sa ilalim ng istruktura |
Pinalalawak ang mga lugar para sa panlabas na aktibidad sa maiinit na araw |
|
Takip na Punongkahoy na Kulandong |
Mababa Benepisyong pangkabuhayan (tumataas ang halaga ng mga punongkahoy sa paglipas ng panahon) |
Ang pagdami ng punongkahoy na kulandong ay may malakas na nagpapalamig na epekto |
Napapagaan ang mga emisyon ng carbon Mga matitipid sa enerhiya Pinahuhusay ang kalidad ng tubig Pinahuhusay ang kalidad ng hangin |
Nangangailangan ng palagiang pagpapanatili sa maikling panahon |
Luntiang Bubong |
Katamtamang unang gastos Nagkakaloob ng matitipid sa gastos sa paglipas ng panahon |
Malakas na nagpapalamig na epekto |
Mga matitipid sa enerhiya Pinahuhusay ang kalidad ng tubig Pinahuhusay ang kalidad ng hangin |
|
Malamig na Bubong |
Mababa Ang gastos ay maikukumpara sa kombensiyonal na bubong |
Nakakabawas ng pinakamataas na pangangailangan ng kuryente |
Mga matitipid sa enerhiya |
|
Mga Istratehiya sa Pag-agpang sa Mahirap Kontrolin na Sunog
Ang pagbabago ng klima ay magreresulta sa matataas na temperatura, mga tuyong kondisyon, at halamang maaaring magliyab, na magtataas ng panganib ng mahirap kontrolin na sunog. Ang mahirap kontrolin na mga sunog ay mapanganib sa pampublikong kalusugan at kaligtasan.
Mga Posibleng Istratehiya
Mga Kampanya na Pakikipag-unayan sa Publiko: Ang mga kampanya na pakikipag-ugnayan sa publiko ay nagkakaloob ng impormasyon sa mga komunidad tungkol sa pagpigil at pagtugon sa mahirap kontrolin na sunog. Ang pakikipag-ugnayan ay makakatulong na bawasan ang pagsisimula ng mahirap kontrolin na mga sunog at ihanda ang mga komunidad para lumikas nang mabilis kung kailangan.
Pagpaplano ng Paggamit ng Lupa: Ang pagpaplano ng matalinong paggamit ng lupa ay makakatulong na bawasan ang panganib ng mahirap kontrolin na mga sunog at itaas ang katatagan ng komunidad. Ang pagpaplano sa paggamit ng lupa ay maaaring kabilang ang: mga regulasyon sa pagpapaganda ng lupa, mga kodigo sa pagtatayo para sa mga istrukturang ligtas sa sunog, mga restriksiyon sa pagpapaunlad sa mga lugar na mataas ang panganib ng mahirap kontrolin na sunog o mga pamantayan sa disenyo para sa mas mahusay na kaligtasan, tulad ng mga sekundaryong akses.
Pagpapatigas ng mga Gusali/Yaman: Ang mga gusali ay pinahuhuay o idinidisenyo na may mga materyal na lumalaban sa sunog o nagsasama ang mga hadlang na lumalaban sa sunog sa paligid ng mga ito upang gawing mas mahirap na kumalat ang mga sunog at upang protektahan ang gusali.
Mga Paggamot Pagkatapos ng Sunog: Ang mga paggamot pagkatapos ng sunog ay maaaring kinabibilangan ng pagbibinhi o mulching. Ang mga paggamot na ito ay maaaring makabawas ng pagtangay at pagkaagnas at magpahusay ng kalusugan ng ekosistema.
Pamamahala ng mga Halaman: Ang pamamahala ng mga halaman ay nagbabawas ng dami ng halaman na lumalaki sa mga lugar na malaki ang panganib ng mahirap kontrolin na sunog sa pamamagitan ng mga aksyon na tulad ng pagtanggal ng mapanakop na palumpong, mga proyektong pagpapanatili at pagtanggal ng punongkahoy, at mga kinokontrol na pagsunog. Kapag palagiang inuulit, magagawa ng naturang pagpapanatili na mas madaling pamahalaan o sugpuin ang mga sunog.
Istratehiya |
Gastos |
Pagkamabisa |
Mga Pabor |
Mga Kontra |
---|---|---|---|---|
Mga Kampanya na Pakikipag-unayan sa Publiko |
Mababa |
Ang pakikipag-ugnayan sa mga may-ari ng bahay ay nagbabawas ng hindi sinasadyang pagsisimula ng sunog |
Pampublikong kalusugan at kaligtasan Mga naiwasang gastos at pagkawala |
|
Pagpaplano ng Paggamit ng Lupa |
Mababa |
Tumutulong na bawasan ang tindi at saklaw ng sunog Binabawasan ang pagkahantad |
Pampublikong kalusugan at kaligtasan Mga naiwasang gastos at pagkawala |
|
Pagpapatigas ng mga Gusali o Yaman |
Mababa (kapag nangyayari sa konstruksiyon ng gusali) |
Tumutulong na pigilan ang pagkalat ng mga sunog at nagpoprotekta sa mga gusali |
Pampublikong kalusugan at kaligtasan Mga naiwasang gastos at pagkawala |
Magastos kung kinumpleto para sa pagpapatibay panlindol ng kasalukuyang gusali |
Mga Paggamot Pagkatapos ng Sunog |
Katamtaman |
Nagbabawas ng pagtangay at pagkaagans pagkatapos ng sunog |
Pampublikong kalusugan at kaligtasan Mga naiwasang gastos at pagkawala |
Hindi pagpigil sa sunog, pagbawi lamang |
Pamamahala ng mga Halaman |
Mababang gastos para sa pagtanggal sa pamamagitan ng makina o kamay Ang mga itinagubiling pagsunog ay nagkakaloob ng pakinabang |
Ginagawang mas madaling pamahalaan o sugpuin ang mga sunog Nangangailangan ng patuloy na aksyon |
Pampublikong kalusugan at kaligtasan Mga naiwasang gastos at pagkawala Nagpoprotekta sa kapaligiran |
|