Konsehal Raul Campillo
Si Raul Armando Campillo ay ipinanganak sa San Diego at lumaki sa El Cajon, CA. Ang pamilya ni Raul ay nagmula sa Calexico, CA, kung saan siya madalas magpapalipas ng oras upang magbakasyon kasama ang kaniyang pamilya. Nag-aral si Raul sa Uni High School (USDHS, ngayon ay Cathedral Catholic High School) sa Linda Vista bago siya mag-aral sa Harvard University.
Pagkatapos niyang magtapos sa kursong may kinalaman sa Gobyerno, nagtrabaho si Raul bilang isang guro sa ika-limang baitang sa isang pampublikong paaralan na isa sa mga pinakamahirap na paaralan sa sa distrito ng North Las Vegas, NV. Pagkatapos niyang makuha ang Master’s Degree sa Edukasyon mula sa UNLV, iniwan ni Raul ang pagtuturo para magpatuloy sa karerang law, kumuha ng degree mula sa Harvard Law School at sumali sa international law firm ng O’Melveny & Myers.
Pagkatapos ng ilang taong pagsasanay sa mahirap na litigasyon at pagsasagawa ng white collar criminal investigations, si Raul ay bumalik sa pagseserbisyo publiko dito sa kaniyang tahanan kasama ang San Diego City Attorney’s Office. Karamihan sa mga kinasuhan ni Raul ay mga DUI, tumulong sa paghahanap ng mga diversion program at therapy para sa mga indibidwal na nakararanas ng adiksyon at nagtrabaho sa Gun Violence Response Unit na kumukuha ng mga armas galing sa mga kamay ng mga taong banta sa kanilang sarili o sa komunidad. Nahalal si Raul ng apat na taong termino sa San Diego City Council noong Nobyembre 3, 2020.
Dala ang kaniyang legal na karanasan at atensyon sa mga detalye ng bawat desisyon, lubos na tinitiyak ni Raul na laging sineserbisyuhan ng maayos ng City Hall ang mga mamamayan sa Seventh Council District. Naniniwala si Raul na kailangang maglaan ang Lungsod ng matibay na economic environment para sa mga pamilya upang makayanan nila ang paninirahan sa San Diego, para mabigyan ang kanilang mga anak ng mga oportunidad, at upang bumuo ng pagkakaisa sa lipunan sa iba’t ibang komunidad. Dahil ang Distict 7 ay nakasentro sa mga oportunidad para sa komersyo, pabahay, transportasyon, at edukasyon, nakikita ni Raul ang mahusay na pag-unlad sa maayos na pagpapaplano, pamumuhunan sa imprastraktura, at pagprotekta sa ating likas na yaman tulad ng San Diego River at Mission Trails Regional Park. Dinala rin ni Raul ang kaniyang kahusayan bilang isang taga-usig sa gawain ng pagpapatupad sa matalino at mabisang pagbabago sa pagpupulis.
Tulad ng nakasulat sa San Diego Union-Tribune: “Ang pinakamahalagang kalidad na maaaring dalhin ni Campillo sa City Hall ay ang isang malakas na paniniwala na siya at ang kaniyang mga kasama ay kayang mapabuti ang buhay ng mga taga-San Diego, lalo na ang mga nahaharap sa mga problemang pang-ekonomiya at nahahadlangan magtagumpay. “Nais kong baguhin ang isip ng mga tao para mas maging mapagmalasakit sila sa kanilang kapuwa,” sabi niya. “Nais kong malaman nila na intensyon ng gobyerno na paglingkuran sila. At ang magandang ideya na iyon ay maaaring magpabuti ng buhay ng mga tao. Sa palagay ko, makikita ng mga tao na ako ay isang tagapagbuo ng tulay.”
Bilang karagdagan sa paglilingkod sa apat na konseho ng komite, si Raul ay pinuno ng Mission Trails Regional Task Force at mayroong maraming mahahalagang appointment sa bansa kasama ang paglilingkod bilang San Diego Association of Governments (SANDAG’s), Transportation Committee Vice-Chair, bilang isang miyembro ng SANDAG’s Public Safety Committee, at bilang isang miyembro ng San Diego River Conservancy Board, kung saan ay pinopondohan ang mga proyekto upang maiwasan ang mga sunog at pagbaha sa tabi ng Ilog ng San Diego.
Kapag hindi abala si Raul sa pagtatrabaho sa City Hall, matatagpuan siyang nanonood ng international soccer, nangingisda kasama ang kaniyang ama, nagba-bike mula sa Mission Valley hanggang sa Mission Bay, o naglalakad kahit saan sa San Diego kasama ang kaniyang partner na si Nadia at ang kanilang maliit na schnauzer na si Kiko.