Our Climate Our Future - Climate Resilient San Diego

Ang pagbabago ng klima at mga kaugnay na panganib ay nagpapakita ng malalaking panganib sa Lungsod ng San Diego. Upang matukoy ang mga panganib na dapat alalahanin at mas mahusay na maintindihan ang mga lokal na epekto ng pagbabago ng klima, ang Lungsod ay nagkumpleto ng isang Pagtasa ng Kahinaan sa Panganib ng Pagbabago ng Klima noong Pebrero 2020.

Ngayon, ang Lungsod ay nasa proseso ng pagbuo ng SD na Matatag sa Klima, isang plano upang matiyak na ang mga residente ay patuloy na nagtatagumpay sa isang nagbabagong klima.

Mag-scroll upang malaman ang tungkol sa mga inaasahan sa pagbabago ng klima at magbigay ng komento upang makatulong na magbigay ng kaalaman sa mga hangarin at prayoridad ng plano sa SD na Matatag sa Klima.

Fire HelicopterMga Panganib ng Pagbabago ng Klima

May apat na pangunahing panganib ng pagbabago ng klima na nagpapakita ng posibleng mga panganib sa Lungsod:

  • Pagtaas ng Lebel ng Dagat
  • Pagbaha at Pagkatuyo
  • Sobrang Init
  • Mahirap Kontrolin na mga Sunog

Coastal Map
Explore your coastline; see what sea-level rise might look like for your community. View map

Hazard Icon Coastal

Pagtaas ng Lebel ng Dagat

Ang pagbabago ng klima ay nagpapabilis ng pagtaas ng lebel ng dagat. Sa ika-20 siglo, ang mga lebel ng dagat ay tumaas ng 0.71 na talampakan sa San Diego. Bago lumampas ang 2100, ang San Diego ay maaaring makaranas ng isa pang 3.6 hanggang 10.2 na talampakan ng pagtaas ng lebel ng dagat.

Ang pagtaas ng lebel ng dagat ay mangangahulugan ng mas maraming pagbaha at mas mabilis na mga antas ng pagkaagnas sa kahabaan ng baybayin.

Kung walang anumang aksyon, ano ang maaaring maging kahulugan nito?

Ang mga tumataas na dagat ay maaaring magresulta sa nabawasang akses sa dalampasigan at may mga epektong pangkabuhayan para sa San Diego.

Hazard Icon Precipiation

Pagbaha at Pagkatuyo

Inaasahang magkakaroon ng karagdagang pagkakaiba-iba sa pagpatak ng ulan taun-taon at mas maraming matitinding transisyon sa pagitan ng mga pagkatuyo at pagbaha.

May mga lugar ng San Diego na bumabaha na kapag matitindi ang patak ng ulan. Habang nagiging mas malakas ang patak ng ulan sa hinaharap, ang lugar na apektado ay inaasahang dadami.

Ang mga pagkatuyo ay naging mas matindi sa buong California sa mga nakalipas na taon. Habang ang mga pagkatuyo ay laging pana-panahon, ang mga ito ay inaasahang magiging mas madalas at mas tuyo.

Kung walang anumang aksyon, ano ang maaaring maging kahulugan nito?

Ang sobrang presipitasyon ay maaaring mangahulugan ng malaking pagbaha. Ang mga pagkatuyo ay maaaring magtaas ng panganib ng mahirap kontrolin na mga sunog.

 

Hazard Icon Heat

Sobrang Init

Ang San Diego ay kilala sa mga kaaya-ayang temperatura – sa nakaraan, ang mga sobrang pagtaas ng init ay nangyari mga apat na araw sa isang taon.

Ang pagbabago sa klima ay mangangahulugan hindi lamang ng mas mainit na mga araw bawat taon, kundi ng mga pinakamainit na araw na inaasahang magiging mas mainit at mas madalas. Bago lumampas ang mga taon ng 2040, ang pangkaraniwang pagtaas ng init ay maaaring 5 degree Fahrenheit na mas mataas kaysa ngayon.

Kung walang anumang aksyon, ano ang maaaring maging kahulugan nito?

Ang mga araw na sobra ang init ay maaaring magpakita ng mga panganib sa kalusugan, partikular kung ang mga temperatura ay hindi bumaba sa gabi, nililimitahan ang kakayahan ng katawan na magpalamig.

 

Hazard Icon Wildfire

Mahirap Kontrolin na mga Sunog

Ang pagbabago ng klima ay malamang na magtaas ng lahat ng mga pangunahing nagtutulak sa mahirap kontrolin na sunog – matataas na temperatura, mga tuyong kondisyon, at maaaring magliyab na mga halaman. Ang San Diego ay inaasahang makaranas ng mga panganib ng hindi makontrol na sunog na kapantay o mas mataas ang tindi kaysa mga nakalipas na dekada.

Kung walang anumang aksyon, ano ang maaaring maging kahulugan nito?

Bilang karagdagan sa posibleng pagkawala ng ari-arian, ang mahirap kontrolin na mga sunog ay maaaring magresulta sa pagkaagnas, nabawasang kalidad ng hangin, at pagkawala ng katutubong pagkakaiba-ibang biyolohikal.

Tulungan Kaming Magplano para sa isang San Diego na Matatag sa Klima!

Ang Lungsod ng San Diego ay nakalaang magplano para sa mas pantay, maipagpapatuloy, at malusog na hinaharap kung saan ang mga komunidad ay inihahanda at matatag sa mga epekto ng pagbabago ng klima.

Kung paano tayo nag-aakma sa pagbabago ng klima ay makakaapekto sa mga mamamayan ng San Diego, at maaari pang magpahusay ng kalidad ng ating buhay, nagpapahintulot sa lahat na magtagumpay.

Alamin natin kung ano ang anyo sa inyo ng isang matatag at nagtatagumpay na San Diego:

Ang Lungsod ng San Diego ay makikipagtulungan sa mga komunidad nito upang isapanahon ang mga patakaran sa Pangkalahatang Plano ng Lungsod sa pamamagitan ng pagbuo ng isang Elemento ng Hustisyang Pangkapaligiran.

Sabihin sa amin ang iyong mga iniisip tungkol sa mga lugar at isyu na dapat magpokus ang mga patakaran ng Hustisyang Pangkapaligiran ng Lungsod.

Pagsusuri sa Hustisya Ukol sa Kapaligiran

[script] var _ctct_m = "b0a20f1c92b311a75f15676501c23ff6"; [/script] [script id="signupScript" src="//static.ctctcdn.com/js/signup-form-widget/current/signup-form-widget.min.js" async defer][/script]